Konting Silip by Jobert Sucaldito
We have a dear friend na American na nagbabakasakali dito sa local showbiz natin. Mabait itong si Travis Kraft na ipinakilala sa amin ng kasamahan namin sa ABS-CBN na si Imabelle. Minsan din kaming kumain sa Friday's before and after that, we are in touch.
Guwapo si Travis - hunk ang dating. Isa siyang print ad model even back in the States. Dito ay mabentang-mabenta siya sa mga glossy magazines and some events. He wants to try out here dahil sa States ay nag-aral ito ng acting and has come out in some Hollywood films. Masarap kausap si Travis - magalang at panalo ang presence.
Anyway, ang latest naming nabalitaan about Travis Kraft ay kinuha ito sa nakaraang Santa Cruzan sa Intramuros, Mertro Manila. Project ito ng Department of Tourism and he is the only foreigner. At ayon sa mga nakasaksi, he made a mark sa event na iyon dahil looker talaga siya. Guwapo kasi at makisig kaya pansinin.
Sa pagkakaalam ko, Travis is US-bound nitong May or June. Babalik na lang daw siya rito kung merong mga commitments na matanguan. Meron kasi siyang trabahong nakabinbin doon. Masipag ang agents niya sa States. Marami itong nakukuhang trabaho for Travis doon.
Kaya if I were you, smantalahin ninyo si Travis habang nandidito siya. For all you know, baka sumikat na Hollywood star ito one day- at least masabi man lamang nating dito siya nagsimula bilang aktor, di ba? Kunsabagay, nakalabas na siya sa ilang Hollywood films in the past. Tulad ni Jack Nicholson - hindi ba't dito naman nagsimulang mag-bit-player iyon? Bago pa man siya nanalo as Best Actor sa Oscar's via "One Flew Over The Cuckoo's Nest," dito unang lumabas si Jack, no! Nakalimutan ko lang ang title ng film na una niyang nilabasan sa Pilipinas. Ganoon naman tayo palagi - we claim na rito sila nanggaling pero noong nandito sila ay hindi natin sila inalagaan. Pero pag oras na ang kredito, mabilis tayong umangkin. Very Pinoy, di ba? Ha ha ha!
Travis Kraft is a good catch. Let's welcome him in. After all, he possesses the qualities of a star.Why not, coconut?
|
|