Click to enlarge Click to enlarge Click to enlarge Click to enlarge Click to enlarge Click to enlarge Click to enlarge Click to enlarge
Click to enlarge
click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
click to enlarge
Click to enlarge
click to enlarge
Click to enlarge
click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
click to enlarge
Click to enlarge
click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
Click to enlarge
People's Journal" 13 February 2006,by: Noel Asinas,
"Hollywood actor Travis Kraft, nais makipagsapalaran sa bansa"


KAHIT third world country ang Pilipinas, willing makipagsapalaran sa daigdig ng showbiz sa bansa si Travis Kraft, 26,dugong pinoy dahil ang kanyang ina na si Perlita Viola ay tubong Benguet.

Si Travis ay model-actor sa Hollywood bago tumulak ng Pilipinas. Nakalabas na siya sa mga pelikulang Skeletons in the Closet at martial arts movie na No Rules. Madali siyang nakuha sa dalawang pelikula dahil siya'y nag-aral ng acting sa Hollywood. Bukod pa sa nagtataglay ng magandang pangangatawan. Siya'y may well-built body at may timbang na 190 lbs at may taas na 6'1".

Sadyang ang pagnanais na tumira sa Manila ang nag-udyok din sa paghahanapbuhay niya sa bansa. Gusto niya ang climate at beaches dito.

Pagdating sa mga babae, until now ay fantasy niya ang Pinay na may brown complexion at tsinita na tulad ng beauty ng kanyang mother.

Nakarating na siya sa Benguet, ang birth place ng kanyang ina. Nakatuloy na rin siya ng ilang araw sa piling ng kanyang grandparents, uncles, aunties at mga kamag-anakan. Sadyang hindi niya feel ang buhay probinsiya. Gusto niya a Manila para makapagttrabaho.

Hindi lang modeling at acting ang alam niya, siya'y may degree sa college ng B.S in Telecommunication and Film, minor in Psychology.sa Eastern Michigan University .Gusto rin niyang pasukin ang directing sa film at television.

"I, also, want to try directing ni Manila, but my profession now is commercial modelling," pahayag ni Travis.

Nang siya'y nasa college, scholar siya. Player ng wrestling si Travis. Maraming university ang kumukuha sa kanya para sa scholarship. Nang siya'y nasa 7th grade ay tinanghal siyang top wrestler sa North Dakota. Tatlong beses siyang naging kampeon sa state niya at minsan din siyang tinanghal na no.1 sa age bracket niya sa U.S.

Si Travish ay ipinanganak sa Bismarck, North Dakota noong June 20, 1979 sa amang doctor na si Gary Kraft at sa Filipina mother na si Perlita na isang interior dectorator.

Kahit hindi siya kumuha ng scholarship s Eastern Michigan University , kayang-kaya niyang mag-aral sa university dahil supported siya ng kanyang magulang.

Mas pinili niyang lumabas sa kanilang bahay at matutong mamuhay sa sarili. Ganyan naman sa America na kapag 18 years old na, binibigyang laya na lumalabas na ng kanilang bahay. Kaya ngayon ay nag-iisa lang siya sa isang condo unit na nirerentahan niya sa Makati City.

So far in demand na si Travis bilang commercial model sa Manila. Ilang ads agency ang kumukuha na sa kanya sa ngayon. Tinutulungan siya para magkaroon ng connection ng kanyang Pinoy bestfriend na singer na si Lance Raymundo. Kaya nga sa darating na Valentine's Day ay sasama siya sa concert ni Lance sa Manila Pavilion. Susubukan niya ang singing. Kakanta siya ng isang sikat na Pinoy pop song.